FABULOUS!

i knoe im a bitch so u dont have to tell me!
About Me
- Faina Daguio
- i love to express my feeling thoughts and ideas through writing, im quite rascal, mean, sassy and bully but i have indeed faith to our almighty god. I want to be everything, i want to be a flexible woman. I'm the person whom dont hide in a shadow of others, what you see is what you get!..I'm is I'm.
Saturday, October 27, 2007
Pilit kung binabangon ang sarili ko sa putikan!
Maraming problema ang dumating, bagyo at unos na kay bigat pero hindi ako sumuko sa lahat nang paghihirap na dinanas ko. minsan tinatanong ko ang diyos bakit ako pa? bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ako pa ang binibigyan ng mabibigat na probloma pero naisip ko na pagsubok lang lahat ito at lahat ng pagsubok sa buhay ng isang tao ay kaya nyang lampasan. Pero ang tanong kaya ko nga ba itong lampasan?! sa totoo lang sa lahat ng mga problema na dumadating sa buhay ko ngayon minsan naiisip ko ng sumuko at hayaan na lang na dumating ito at mawala ng kusa. Pero natutu ako na kailangan harapin ang problema at hwag itong takbuhan at pagtaguan. Pano mo malalaman kung gaano ka katatag kung sarili mong problema ay hindi mo kayang harapi. Naging manhid ako at naging matigas ang ulo dahil sa mga problemang dinanas ko. Hindi ako kasing tatag ng ibang tao, iniiyakan ko ang problema at dinadamdam ko ito, hindi ako yung tipo ng tao na nagbabahagi ng problema sa iba, sinasarili ko ito at nilulutas ko ng mag-isa. Noong mga panahon na lugmok ako sa problema pilit kung ginawan ng paraan para makabangon ako sa putikan na kinaroroonan ko, pilit kung inangat ang sarili ko sa dumi na aking tinatahak. Hindi ako ko nilagay sa isip ang mga problema at hindi ako gumawa ng masamang bagay para takpan ang sarili ko sa problema kundi pilit ko itong nilutas ng mag-isa ako, kailan man hindi ko naisip na gumawa ng dahas para lang matakpan ang mga problema ko sa buhay, alam natin na ibang tao pilit sinisira ang buhay para lalng matakpan ang kanilang mga problema. naninigarilyo, umiinom, nagsusugal,nagdrodroga at pinapababa ang dignidad at sarili. Hindi sulosyon ang karahasan at bisyo sa problema ng isang tao. Hindi nya mababago ang mga problema mo sa buhay ang nararapat natin gawin ay hwag natin itong takbuhan kundi harapin ito at magisip ng magandang solusyon o di kaya ay tanggapin nalang. Hinding hindi ka bibigyan ng dyos ng problema mang hindi mo kayang lutasin. Life must go out at pilit mong ibangon ang iyong sarili sa putikang kinalalagyan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment