FABULOUS!

i knoe im a bitch so u dont have to tell me!
About Me
- Faina Daguio
- i love to express my feeling thoughts and ideas through writing, im quite rascal, mean, sassy and bully but i have indeed faith to our almighty god. I want to be everything, i want to be a flexible woman. I'm the person whom dont hide in a shadow of others, what you see is what you get!..I'm is I'm.
Monday, October 29, 2007
katanungan!
Sabi nila may gatas pa daw ako sa labi, bata pa at hindi pa masyadong hubog sa mga bagay bagay sa mundo. Wala pang alam sa mga pagsubok at hindi pa marunong humawak ng mga problema. Hindi pa sapat ang kaalaman para mamuhay ng mag-isa at para pumasok sa isang responsibilidad..Ngayon ibang-iba na ang buhay ko kumpara sa buahy na kinalakihan ko.! Lahat ng gusto ko nabibigay, lahat ng iutos ko sinusunod nila, naging spoiled sa magulang! Hindi marunong sa gawaing bahay at kung anu-ano pa. pero ngayon pero nag-iba itong lahat. Eto tumatayo sa sariling paa at kumakayod para magkapera para sa aking mga luho.. minsan pinipilit ko ang sarili ko na iwasan ang pagiging gastadora pero hindi maiwasan, sadyang maluho lang talaga ako.! Sabi ko nga ayos lang na maging maluho ako, pera ko naman ang aking gianagastos, hindi gaya ng dati na puro ang mommy at daddy ko ang nagpupuna sa mga luho ko sa buhay.Maraming katanungan ang bumabagabag ngayon sa aking damdamin!! Mabubuhay kaya ako ng hindi natatamasa ang mga luho na pilit kong pinipigilan, Mabubuhay kaya akong mag-isa!? Magagawa ko na kaya ang mga responsibilidad ko sa buhay at pag ako'y nadapa makakabangon kaya akong mag-isa?!..Mga tanong na sadyang pilit hinahanap ng mga kasagutan na ang sarili ko lang ang makakasagot!..Sa ngayon ang sagot ko HINDI..kailangan ko ng kaakibat upang gawin lahat ang mga bagay na ito..Tama ang sabi nila na hindi ko pa nga kaya..ni hindi ko pa kayang labhan ang sarilim kong damit, ni hindi ko pa nga kayang baunan ang aking sarili at ni hindi ko pa kayang gisingin ang sarili ko sa katotohanan sa mga kailangan kong gawin sa buhay! Kailangan ko ng katuwang sa buhay upang umalalay at turuan ako sa mga gagawin ko sa paghubog ng aking katauhan..kailangan ko ang mommy ko sa lahat ng oras..sa pagtulod, sa pag-gising at sa kainan! at kahit na may sarili na akong trabahoo at pera kailangn ko parin sya para gabayan sa paghawak at pagdiskarte sa buhay. Tulungang maging isang responsable at mabait na anak..makatayo at lumaban sa hamon ng buahy..Kailangan ko ng ilaw para sa magtahak sa madidilim na parte sa aking buhay!.Habang ako patanda ng patanda, padami ng padami ang mga katanungan ko, hindi ko alam kung saan nang gagaling ang mga tanong na iyon ang alam ko lang gusto kong alamin ang kanilang mga sagot! Sana balang araw ang mga katanungan ito ay hwag manatiling isang tanong kundi manatili syang aral para sa akin at para na din sa ibang tao.!Katanungagn mahirap hanapan ng sagot at mga katanungang sadyang wala talagang sagot! Kundi poong may kapal lang ang makakasagot!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment