-SiMpLy BeiNg Me-

hi everyone, I'm Faina Daguio,i just want to borrow some of your time to read some of my thoughts and ideas which i indeed feel in this world, from the saddest and happiest moment of my life. comment it, agree with it or disagree with it-its really doesn't matter, what matter most is you understand it!..

FaiNa M. DaGuiO

FaiNa M. DaGuiO
im undergoing self enhancement!!!

FABULOUS!

FABULOUS!
i knoe im a bitch so u dont have to tell me!

About Me

i love to express my feeling thoughts and ideas through writing, im quite rascal, mean, sassy and bully but i have indeed faith to our almighty god. I want to be everything, i want to be a flexible woman. I'm the person whom dont hide in a shadow of others, what you see is what you get!..I'm is I'm.

Tuesday, October 23, 2007

ang malungkot na ako!

bawat tao may kanya kanyang storya sa buhay, may kanya kanyang katangian at may kanya kanyang ugali, hindi lahat ng tao mabait, hndi lahat ng tao masama, hindi lahat ng tao bobo at hindi lahat ng tao magaling, hindi lahat ng tao mayaman, hindi lahat ng tao mahirap, hindi lahat ng tao malusog at hindi lahat ng tao sakitin... sabi nga NO BODIES PERFECT!..Ako alam ko na tao ako.! pero hindi lahat ng katangian na gusto ko ay nasa akin, hindi lahat ng katangian na gusto nyo ay ipinagkaloob sa akin ng diyos, pero kahit paano may maipagmamalaki naman ako sa sarili ko, mabait akong anak sa aking mga magulang, hindi kailan man binalewala ang mga tiwala na ibinigay nila sa akin. Hindi kailan man sinuway ang kanilang mga utos at hindi kailan nambastos
(ewan ko lang sa iba). Palabiro ako at makulit pero hindi ibig sabihin na hindi ako seryoso sa buhay.! Alam ko pinagkalooban kami ng diyos ng magandang buhay pero salat naman sa kalusugan. Minsan naiisip ko na sa dami ng tao sa mundo.. bakit ako pa.. naging mabait at mabuti naman akong mamamayan, naging mabait akong anak at hindi kailan man nakalimot sa kanya.. naniniwala kasi ako na HEALTH IS WEALTH.. minsan nahihirapan na din ako, gusto ko man labanan ang sakit na aking dinaramdam parang gusto ko na din sumuko. sana lang hwag na lang nya ako pahirapan sana tapusin na ang paghihirap na aking dinadamdam..Sakit dito sakit doon hindi ko na alam kung saan parte ng mundo ako mananatili! sana lang bigyan nya ako ng oras na maging masaya at maenjoy ang aking buhay pero kung talagang hindi nya ito maibibigay sana maging masaya naman ako kahit sa mga konting oras pa na ako'y mabubuhay..sana ipadama nya kung gaano kasarap ang mabuhay sa mundo at iparamdam nya sa akin kung gaano ako kahalaga! masakit isip na lahat ng mga pangarap at pinaghirapan mo ay bale wala lang pala pagdating ng panahon. pero masaya na din ako dahil kahit papaano naabot ko at nakuha ko ang lahat ng gusto ko sa buhay maliban lang sa tunay na pag-ibig..LOLZ!..

No comments: