malungkot ako ngayong araw na ito, madami akong iniisip at madaming gumugulo sa isip ko. Nangungulila sa mga kaibigan sa pilipinas..11:00 na nang gabi pero hindi ako makatulog kakaisip at kakaiyak. madaming problema na gumugulo sa aking isipan. halu halong sakit ang aking nararamdaman. naiinis at naaasar, akala ko kaya kong labanan ang mga sakit na aking nararamdaman pero hindi pala, hindi ko kayang pigilan ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata, hindi ko kayang pigilan ang galit at lungkot na aking nararamdaman. akala ko matapang ako pero hindi pala. napakahina ko. hindi ko pala kayang harapin ang mga problema na aking hinaharap ngayon. Naawa ako sa sarili ko kasi hindi ko magawa ang nararapat para dito hindi ko kayang ipaglaban ito sa kalungkutan na aking nararamdaman. Masyado na akong naapektuhan sa mga nangyayari sa aking paligid lalo na dito sa bahay. Masayahin akong tao pero sa kabila ng aking pagiging masayahin ay isang taong duguan at luhaan ang puso. Palabiro at palangiti pero malungkot sa loob. Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Masyado akong nagiging emosyonal at nagpapaapekto sa mga bagay bagay. Pagod na pagod na ako pero anong magagawa ko? Minsan iniisip ko nalang na lahat ng ito ay pagsubok lng pero hanggang kailan matatapos at hanggang kailan nya sasaktan ang aking damdamin.. Pagsubok na magdadala sa akin upang ako'y magiging matatag pero hindi ganun yung nangyayari eh, mas lalo akong humihina at mas lalo akong sumusuko kasi masakit na, nasasaktan na ako at hindi ko na kaya. Kung pagsubok nga ang lahat ng ito sana matapos na kasi sa totoo lang ayoko na, pagod na ako at ayoko ng lumuha ang aking mga mata!